Tuesday May 22, 2012 11:20
Coco-Angeline teamup dares filmmaker
Manila, Philippines – THREE months walang regular show si Camille Prats matapos ang “Munting Heredera.” TV guestings sa iba’t ibang programa ng GMA-7 ang ibinigay sa kanya, pero okey lang, ani Camille.
May bago siyang teleserye, ang “Luna Blanca” where she plays Rowena, mother of Luna and Blanca, played by Jillian Ward and Mona Louise Ray respectively.
Nagkasama na sina Camille at Mona Louise sa “Munting Heredera” at mag-ina rin ang ginampanan nila.
Raymart Santiago plays as her husband Luis.
Memorable kay Camille ang “MuHer.” Aniya, noong mga panahong ginagawa niya ang naturang teleserye ay may sakit ang asawa niya hanggang namatay ito on September 23 last year.
Nasopharyngeal cancer ang ikinamatay ng asawa niyang si Anthony Linsangan at may 4-year old son sila named Nathan.
Ani Camille, unti-unti na niyang natatanggap na wala na ang asawa niya at hindi na ito babalik. Pero may mga araw daw na napapaiyak siya kapag naiisip niya ito.
Thankful siya sa GMA na binigyan siya ng bagong trabahong pagkakaabalahan. Kahit papaano’y nababawasan ang lungkot at pangungulila niya sa kanyang asawa.
Walang intriga
Itinanggi ni Chynna Ortaleza na nagli-live-in sila ng long-time boyfriend niyang si Raily Valeroso. Conservative raw ang kanilang respective families.
Napag-uusapan na rin nila ni Raily ang pagpapakasal. She’s turning 30 in December at ayaw naman niyang abutin siya ng edad 35 kapag mag-aasawa na siya.
Nakakabilib ang relasyon nina Chynna at Railey na very smooth at walang kaintri-intriga.
Dating artista si Railey, pero nag-quit siya sa showbiz para ipagpatuloy ang pag-aaral. Graduating na siya sa Business Management course sa Asia Pacific College. May business na siya at supplier siya ng uniforms sa ilang eskuwelahan.
Patuloy naman si
Article source: Read More
- Category: Star News
- No Comments


