Custom Search

Wednesday November 30, 2011 04:30

JLC-Shaina no reconciliation yet

Posted by admin

Manila, Philippines – IBINALITA ni Zoren Legaspi sa “Paparazzi” na nakitang magkasama sa isang event sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Dahilan para isipin ng co-host niyang si Cristy Fermin na nagkabalikan ang dalawa. Hayaan na lang daw lumigaya sina John Lloyd at Shaina kung tunay na nagmamahalan ang dalawa, something to that effect na sabi ni Cristy.

Iba naman ang pahayag ni German Moreno sa kanyang radio program sa DZBB tungkol kina JLC at Shaina. Anang Master Showman, tinawagan niya si Shaina para kumpirmahin kung totoong nagkabalikan sila ni JLC. Itinanggi ito ng young actress at sabi raw nito sa kanya (Kuya Germs), nanood lang sila ni JLC ng “Little Mermaid“ kasama ang ilang Kapamilya Stars.

Sinabi rin daw ni Shaina na nag-sorry na sa kanyang papa si JLC at nagpaliwanag hinggil sa kontrobersiyang kinasangkutan nila with Ruffa Gutierrez. Sabi pa raw ni Shaina, nagpapahiwatig si JLC na gustong makipagbalikan sa kanya. Gusto raw ni Shaina na subukan muna kung gaano ka-sincere si JLC sa intensiyon nitong makipagbalikan sa kanya. Gusto rin daw ni Shaina patunayan ni JLC na totoong nagbago na ito. Alin kaya? Na hindi na ito magiging lasenggo?

“Ayaw na ni Shaina ng intriga at kontrobersiya dahil parati na lang daw siyang napagbibintangan. Basta sabi niya, hindi pa sila nagkabalikan ni John Lloyd. Magkaibigan pa rin sila kahit wala na sila at hindi niya isinasara ang posibilidad na magkabalikan sila,” words to that effect na sabi ni Kuya Germs. (Rowena Agilada)

Related posts:

  1. Ruffa, Shaina parehong girlfriends ni John Lloyd for 4 months
  2. Shaina na-insecure
  3. Read More

Custom Search

Advertise With Us

Contact Us at marketing@starlifetalk.com to place your ads here at affordable rates.

Categories