Custom Search

Tuesday November 29, 2011 10:27

Jericho di waldas sa pera

Posted by admin

Manila, Philippines – JERICHO Rosales is celebrating his 15th anniversary in showbiz at isang thanksgiving concert ang pinaplano niyang gawin. In 15 years, he has learned a lot from his experiences, ayon kay Jericho. “I learned how to be humble and accept everything that happened to my life and career,” anang aktor sa press launch ng pinakabago niyang product endorsement, ang Vantage razors.

Marami na siyang naipundar, bahay sa Antipolo at QC, sasakyan at iba pang properties. May fat account sa bangko. Pero ayon kay Jericho, hindi sentro ng buhay niya ang magkaroon ng maraming pera. Hindi niya pine-pressure ang kanyang sarili.

“Basta meron para sa pamilya ko, para sa church and for myself. Meron akong savings sa bangko na hindi ko ginagalaw. Pag nakita kong, opps, malaki na, pwede na akong makabili ng gusto ko, bahay, sasakyan, mga damit, sapatos, etc.

“Natutunan kong huwag maging waldas sa pera. Instead na mag-shopping ako ng mga hindi ko naman talaga kailangan, ipinanggo-grocery ko na lang. Hindi ako nag-aalala kung ano’ng meron bukas,” saad ng aktor.

Manghinayang kaya?
Tinanong namin si Alden Richards kung dapat bang panghinayangan ni Aljur Abrenica ang role sa “Panday 2” na napunta sa kanya. Ani Alden, hindi niya masabi at basta ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya sa ipinagkatiwalang role sa kanya. Isa siyang dragon, ayon kay Alden at super thankful siya kay Senator Bong Revilla na siya ang napiling ipalit kay Aljur.

Honored and proud si Alden dahil kasali ang “Panday 2” sa 2011 Metro Manila Film Festival. First time niyang may festival movie at excited siyang sumakay sa float kasama ang cast sa gaganaping Parade of Stars on Dec. 24.

May

Article source: Read More

Custom Search

Advertise With Us

Contact Us at marketing@starlifetalk.com to place your ads here at affordable rates.

Categories